MANILA, Philippines – Sa kabila ng mabagal na simula kung saan nakitang humahabol ito sa dalawang game kontra kay world No. 349 na si Lu Jia-jing, nakabangon si Alex Eala upang sungkitin ang 6-4, 6-1 na panalo dahilan para tuluyan nang umusad sa semifinals ng WTA 125 Jingshan Open sa China kahapon.
Nahanap ng top seed ng tournament ang kanyang ritmo sa tamang oras sa second set, humiwalay sa 1-1 para kunin ang 5-1 lead para iwasan ang isang desisyon sa isang mahusay na labanan na quarterfinal na tumagal ng isang oras at 17 minuto.
Si Eala ay nananatiling nag-iisang Top 100 player sa WTA 125 field at naghahanap upang dominahin ang torneo at bumuo ng mometum sa kanyang kampanya sa Asian Swing ng tour.
Sunod niyang makakaharap si Lulu Sun ng New Zealand o si Elena Pridankina ng Russia sa semifinal para sa isang shot sa titulo.
Kasalukuyang niraranggo bilang no. 58 sa mundo, hinahabol ni Eala ang kanyang pangalawang korona sa WTA 125 matapos manalo sa Guadalajara, Mexico, dalawang linggo lamang ang nakalipas.
Sa pambungad na set, si Eala, sa kabila ng panalo sa unang laro, ay natisod sa 2-4 bago nakuhang muli ang kontrol at ipananalo ang apat na sunod na laro.JC