BATANGAS, Philippines – Nagwakas ang matagal na pagtatago ng isang Most Wanted Person (MWP) ng Batangas na may kaso ng carnapping nang matunton at madakip ng pulisya sa Valenzuela City.
Pansamantalang nakapiit ngayon ang akusado sa Custodial Section Facility Unit ng Valenzuela City police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento na nagtatago umano sa lungsid ang akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa Batangas.
Nadakip ang akusado base sa warrant of arrest na inisyu noong January 25, 2023, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 87, Rosario, Batangas.
Alas-9:40 ng gabi nang madakip ng mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Valenzuela Police ang akusado sa Sto. NiƱo Street, Barangay Mapulang Lupa, sa bisa ng arrest warrant para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A. 10883).
May halagang P300,000.00 Naman Ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (Merly Duero)