Home NATIONWIDE Halal-Friendly PH Pavilion sinuportahan ni Legarda sa 3rd Travel Sale Expo 2025

Halal-Friendly PH Pavilion sinuportahan ni Legarda sa 3rd Travel Sale Expo 2025

252
0

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Sen. Loren Legarda ang buong suporta sa Halal-Friendly Philippines Pavilion sa 3rd Travel Sale Expo (TSE) 2025 na ginaganap sa SM Megamall, Mandaluyong City mula Setyembre 26 hanggang 28.

Binibigyang-diin ng Pavilion ang iba’t ibang Halal-certified products at services na gawa ng mga lokal na micro, small at medium enterprises (MSMEs).

Layunin nitong palakasin ang presensya ng mga negosyong Pilipino sa larangan ng turismo, wellness at pandaigdigang kalakalan.

Ayon kay Legarda, ang Halal-friendly initiatives ay hindi lamang tugon sa tradisyong kultural ng mga Muslim na Pilipino at sa lumalaking international Muslim travel market, kundi nagsisilbi ring pamantayan ng kaligtasan at kalidad na tinatangkilik ng lahat ng konsyumer.

“Halal is a forward-looking standard that enhances our competitiveness across industries,” ani Legarda.

Dagdag pa niya, sa pagtulong sa MSMEs na makasunod sa Halal benchmarks, nagkakaroon sila ng pagkakataong makapasok sa international supply chains, makabukas ng bagong export markets, at makalikha ng mas maraming trabaho.

Giit ni Legarda, ang pagtutok sa Halal initiatives ay hindi lamang bahagi ng cultural diplomacy kundi isang estratehiyang pang-ekonomiya upang mapatatag ang posisyon ng Pilipinas sa global tourism habang pinapalalim ang inklusibidad sa bansa.

Suportado ang Expo ng Department of Tourism, Department of Trade and Industry, Philippine Retirement Authority, Tourism Malaysia Manila at Malaysia Embassy Manila, kasama ang iba pang sektor. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here