Home NATIONWIDE PAGASA: 5 ‘gang 9 pang bagyo inaasahan ngayong taon

PAGASA: 5 ‘gang 9 pang bagyo inaasahan ngayong taon

498
0

MANILA, Philippines – Inaasahan pa ang lima hanggang siyam na bagyo na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility para sa taong ito.

Sa news forum nitong Sabado, Setyembre 27, sinabi ni PAGASA Deputy Administrator Marcelino Villafuerte II na sa ngayon ay nakaranas na ang Pilipinas ng 15 bagyo kabilang ang bagyong Opong.

“We are expecting two to four [cyclones] in the month of October. And then in November it’s two to three. And then one to two ng December. So we’re expecting five to nine more tropical cyclones before the end of this year,” ani Villafuerte.

“On the average ang ating bansa ay nakakaranas ng 19 to 20 tropical cyclones. Kung idadagdag natin yung lima hanggang siyam, nasa average tayo. Sakali man umabot sa ceiling na nine, ay maari tayong mag-exceed sa ating average for the year,” paliwanag niya.

Hindi naman na inaasahan ang mga paparating na bagyo na magiging sobrang lakas.

“During the month of October, November, December, hindi naman natin inaasahan na mas malakas, ano. Pero more on landfalling na tropical cyclones. So that’s why yung preparations mas kailangan natin,” simabi pa ni Villafuerte.

“Base doon sa record natin, kapag buwan ng October, November, December, kapag last quarter of the year, most of Visayas and also Mindanao regions, sila na yung naaapektuhan those months,” dagdag pa nito.

Inabisuhan naman ang mga Filipino, partikular ang mga naninirahan sa low-lying o flood-prone areas na manatiling alerto at makibalita sa mga forecast.

“Given that yung Visayas-Mindanao areas are going to potentially affected by tropical cyclones in the last quarter of the year, of course pinapaalalahan natin na pag-igtingin yung preparation natin,” ayon kay Villafuerte.

“Kasama naman po natin ang members ng NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) council para magbigay ng updates and information lalong-lalo na kapag may developing or upcoming tropical cyclone for a particular location,” dagdag pa.

Ani Villafuerto, ang mga bagyong inaasahan ay bahagi ng “Christmas Typhoons” o ang madalas na pagkabuo ng mga bagyo mula Disyembre hanggang Pebrero.

“Actually merong study yung ating kasamahan sa PAGASA kung saan they found out yung Christmas Typhoons, actually yung December, January, February na tropical cyclones yung na-mention nila sa study. They found out that they are increasing particularly doon sa Mindanao area,” paliwanag pa niya.

Inaasahan din aniya ang “above normal rainfall” sa ilang bahagi ng bansa sa huling bahagi ng taon dahil sa nagbabantang short-lived La Niña.

“Kahapon ay nagpalabas ang PAGASA ng TC [tropical cyclone] threat forecast. At base doon sa ating initial na analysis, within the week until October 2 maaaring may isang possible tropical cyclone-like vortex na mabuo. Currently, nasa low likelihood pa ito. Pero the week after that, medyo tumaas, nasa moderate likelihood. Bibigyan namin kayo ng update kung matutuloy.”

“Kapag ka La Niña developing kasi ang typical development na mga bagyo ay mas malapit dito sa kalupaan na natin. So less yung time nila to further enhance yung mga bagyo,”

Ang susunod na bagyong mabubuo o papasok sa bansa ay tatawaging “Paolo.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here