Home NATIONWIDE Malawakang korapsyon sa Pinas, kinondena ni Cardinal David

Malawakang korapsyon sa Pinas, kinondena ni Cardinal David

268
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Cardinal Pablo Virgilio David na ang ugat ng korapsyon ay kawalang-interes, na sinaad ang pagkalungkot na habang ang mahihirap ay patuloy na nagdurusa, ang mayayaman ay umiiwas sa pananagutan.

Sa kanyang homiliya, inalala ni Cardinal David, ang presidente ng Catholic Bishops Conferenece of the Philippines, ang kwento sa Bibliya tungkol kay Lazarus, ang pulubi na binuhay-muli ni Jesus-Kristo sa panahon ng paggunita.

“Lazarus did not die because there was no food. There was plenty of food— but all of it on the rich man’s table. Lazarus was within arm’s reach— lying by the gate of the rich man’s house, yet he could not even get the crumbs that fell from the table,”

Inihalintulad din ng Cardinal ang sitwasyon ni Lazarus sa maraming Pilipino sa Metro Manila, na maaaring hindi pulubi, ngunit “kailangang magtrabaho tulad ng kalabaw” kahit ang kanilang suweldo ay hindi sapat para sa disenteng pabahay at sapat na pagkain para sa kanilang pamilya.

Pinuna din ni David ang marangyang pamumuhay ng ilang taong nasa kapangyarihan, tulad ng pagmamay-ari ng 30 hanggang 40 luxury cars, pagkain sa isang restaurant para sa pagkain na nagkakahalaga ng P700,000 para sa apat na tao, o pagregalo sa isang celebrity wife ng singsing na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Binigyang-diin din niya na ang pulitika sa Pilipinas ay isang sugal din kung saan “ginagamit ng maraming pulitiko bilang kapital ang mismong pera ng mga tao—ang ating mga buwis.”

Aniya, ang mayayaman ay maaaring umiwas sa buwis, habang ang mahihirap ay madaling maibawas sa kanilang mga bilihin at bayarin.

Nanatiling matatag ang Cardinal sa kanyang paninindigan laban sa katiwalian. Paulit-ulit na nanawagan ang cardinal na wakasan na ang katiwalian sa pamamagitan ng kanyang mga homilies at mga post sa Facebook.

Nakiisa rin siya sa “Trillion Peso March” laban sa katiwalian noong Setyembre 21. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here