Home NATIONWIDE Sapat na pondo sa edukasyon sa ilalim ng administrasyong Marcos, suportado ng...

Sapat na pondo sa edukasyon sa ilalim ng administrasyong Marcos, suportado ng DBM

281
0

MANILA, Philippines – Makikipag-ugnayan ang Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso para matiyak na may sapat na pondo para sa edukasyon.

Ito ayon kay Budegt Secretary Amenah Pangandaman ay pagtitiyak na rin ng kanilang buong suporta sa administrasyong Marcos sa sektor ng edukasyon.

Ayon pa kay Pangandaman, makikipag-ugnayan sila sa Kongreso para sa agarang pag-apruba ng karagdagang pondo para sa mga State Universities and Colleges o SUCs.

Prayoridad aniya ng National Expenditure Program ang edukasyon.

Bahagi nito ang muling paglalaan ng P255.5 bilyong pondo mula sa flood control budget ng DPWH patungo sa DepEd, CHED, TESDA, at SUCs.

Dagdag pa ng kalihim, umabot na sa P1.224 trilyon ang panukalang 2026 budget para sa basic at higher education — katumbas ng 4 porsyento ng GDP, na unang beses umabot sa rekomendasyon ng UNESCO. Sa naturang halaga, P134.99 bilyon ang nakalaan para sa SUCs.

Samantala, nagbabala si Senador Bam Aquino na posibleng magkulang ng P3.29 bilyon sa pondo kung tataas sa 2.27 milyon ang bilang ng mga enrollees sa 2026.

Tiniyak naman ng DBM na mananatiling bukas ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante, guro, at SUCs gamit ang Program Convergence Budgeting para masigurong epektibo ang paggamit ng pondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here