Home HOME BANNER STORY Magalong pinalitan ni Ret. Gen. Azurin bilang special adviser ng ICI

Magalong pinalitan ni Ret. Gen. Azurin bilang special adviser ng ICI

261
0

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Office of the President (OP) ang pagkakatalaga kay Philippine National Police Chief, General Rodolfo Azurin Jr. (Ret.), bilang Special Adviser and Investigator ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Papalitan ni Azurin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagbitiw bilang special adviser ng ICI.

“He will assume his duties after concluding his personal and administrative arrangements,” ayon sa kalatas ng OP.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo si Mayor Magalong para sa kanyang serbisyo at kontribusyon sa panahon ng kanyang pagkakahirang.

“His efforts in safeguarding the integrity and credibility of the Commission have been vital to the government’s campaign against corruption in infrastructure projects,” aniya pa rin.

Kumpiyansa naman ang administrasyon na ang karanasan at liderato ni General Azurin ay mas makapagpapalakas sa mandato ng Komisyon na panindigan ang accountability at transparency” sa paggamit ng public funds.

Sa kabilang dako, hindi kawalan sa ICI ang ginawang pagbibitiw ni Magalong bilang special adviser nito.

Ang katuwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na kompleto na ang komposisyon ng ICI.

Sa katunayan personal na ipinakilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sina dating SC Justice Andres Reyes Jr. bilang ICI chairperson, at sina dating of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Babe Singson at Rosana A. Fajardo, isang certified public accountant bilang mga miyembro nito.

Itinalaga rin ng Pangulo si dating Supreme Court (SC) spokesperson Brian Keith Hosaka bilang executive director ng ICI.

Iginiit ni Castro na ang papel ni Magalong sa ICI ay special adviser lamang.

“Ang kaniya pong pagbibitiw bilang special adviser ay pinapanalangin naman po na hindi ito makakaapekto sa magiging trabaho ng ICI dahil kumpleto naman po ang ICI at nandoon pa rin po ang integridad ng miyembro ng ICI. At in addition to that, nandiyan na rin po ang executive director,” ayon kay Castro.

“So, ang pagiging special adviser po niya ay boluntaryo po at kung siya po pa rin ay makakatulong para po maibigay ang kaniyang mga impormasyon, iyan naman po ay welcome pa rin po sa ICI,” aniya pa rin.

Samantala, kinumpirma ni Castro na tinanggap na ni Pangulong Marcos ang resignation letter ni Magalong bilang special adviser ng ICI.

“At kinikilala naman po ng ating Pangulo ang kagalingan ni Mayor Magalong,” aniya pa rin.

At sa tanong kung may kapalit na si Magalong bilang special adviser, ang tugon ni Castro ay ‘wala pa.’ Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here