Manila, Philippines- Namumutiktik ng mga mensahe ng pagkatuwa ang mga nakapanood ng sit-down interview ni Ogie Diaz kay Ate Gay.
Inaasahan nang iikot ang kanilang tsikahan sa pinagdadaanan ngayon ng standup comedian.
Diagnosed with Stage 4 cancer, inaasahan na ding puno ng lungkot ang interbyung ‘yon.
But not when Ate Gay is the subject.
Bilib na bilib kasi ang mga netizens na nakuha pa nitong magpatawa sa gitna ng kanyang kalagayan.
Tinanong kasi siya ni Ogie what Ate Gay intends to do once gumaling siya.
Habang sinusulat ito’y malapit nang magsimula ang kanyang libreng radiation at chemotherapy, thanks to her benefactor.
Kumbaga, in what way will Ate Gay pay forward out of gratitude?
“Magpapalagay na ako ng balakang.
Марарарu**e na ako. Actually (sabay turo sa kanang bahagi ng kanyang leeg na may bukol), suso ‘to, eh. So, magpapalagay ako ng suso as in magpapa-sex change ako!” na ikinatawa ni Ogie.
But seriously, ipagpapatuloy pa rin daw ni Ate Gay ang pagpapasaya dahil ito raw ang aniya’y misyon na ibinigay sa kanya ng Nasa Itaas.
Asked kung ano ang kanyang maipapayo sa kanyang mga kapwa comedians para hindi danasin ng mga ito ang pinagdaraanan niya.
“Mag-ipon. Isipin n’yo ang inyong kalusugan,” sey ni Ate Gay na nag-avail na daw ng health at life insurance to tide him over in life. Ronnie Carrasco III