Home NATIONWIDE Digong, may cognitive impairment – medical report

Digong, may cognitive impairment – medical report

248
0

MANILA, Philippines – Nagsumite ng bagong medical reports ang depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na umano’y nagkukumpirma ng “cognitive impairment,” na ayon sa kanila ay may agarang epekto sa kanyang kakayahang humarap sa paglilitis.

Sa inihaing dokumento noong Setyembre 29, sinabi ng abogado niyang si Nicholas Kaufman na ang findings mula sa isang medical professional na itinalaga ng ICC Detention Centre ay sumusuporta sa naunang ulat noong Mayo 2025.

Parehong kinilala ng mga eksperto ang pag-iral ng cognitive impairment, bagama’t magkaiba ang pagsusuri sa tindi at sanhi nito.

Iginiit ng depensa na naapektuhan ang kakayahan ni Duterte sa mga “kakayahang kinakailangan upang magtrabaho sa kanyang kaso at makipag-ugnayan sa depensa,” kaya humiling sila na ipagpaliban muna ang mga pagdinig.

Tinawag ng mga tagausig na walang batayan ang naturang alegasyon, ngunit iginiit ng depensa na malinaw at pinagtibay ng ICC-appointed experts ang mga resulta. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here