Home NATIONWIDE Romualdez utak ng VP Sara impeachment case – Chiz

Romualdez utak ng VP Sara impeachment case – Chiz

286
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Inakusahan ni Senador Francis “Chiz” Escudero si dating Speaker Martin Romualdez na ginamit ang “for-later-release” (FLR) funds at pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang pilitin ang mga kongresista na pirmahan ang impeachment complaint laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Aniya, kasakiman at hindi pananagutan ang motibo, bagay na tinanggihan umano ni Marcos kaya’t hindi nailabas ang pondo.

(c) Cesar Morales

“Uulitin ko po, ginamit ni Martin Romualdez ang FLR at ang pangalan ni Pangulong Marcos upang itulak ang kanilang unconstitutional na impeachment complaint. Sabi nila, ‘Pumirma kayo. Dahil kung hindi, hindi ilalabas ang inyong pondo na naka-FLR bago mag eleksyon,’” ani Escudero.

Mariing itinanggi ni Romualdez ang akusasyon at tinawag itong “DDS script” na layong iposisyon si Escudero bilang kakampi ni Duterte sa 2028.

“Malinaw naman ang katotohanan. Ang talumpati ni Senator Escudero ay hindi tungkol sa pananagutan, kundi para isulong ang kanyang personal na ambisyon.  It was a performance designed to profess loyalty and service to Vice President Sara Duterte, and to position himself as her ally for 2028,” ani Romualdez said.

Dagdag pa ni Escudero, si Romualdez ang nasa likod ng “script at sarsuwela” para guluhin ang bansa at protektahan ang sarili.

“Iisang tao lamang, Ginoong Pangulo, ang nasa script at sarsuwelang ito. Siya ang dahilan ng kaguluhan, pagkakaaway-away, at pagkakawatak-watak na ngayo’y yumayanig sa ating bayan maprotektahan lamang ang sarili niya,” ani Escudero.

“Pero bakit tila ang Kamara, ang Senado at ang ilang media ay hindi pa din kayang sambitin ang pangalan niya” Pwes, sasabihin ko: Martin Romualdez,” dagdag pa ng senador.

Kasabay nito, idinawit ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sina Escudero, dating senador Bong Revilla at Nancy Binay, at Rep. Zaldy Co sa umano’y komisyon sa flood control projects. Ipinahayag ni Escudero na kakasuhan niya si Bernardo dahil sa “malisyosong paratang,” habang hinikayat naman siya ni Romualdez na sagutin ang isyu imbes na manisi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here