Home NATIONWIDE P20-M ayuda ipinamahagi sa E. Samar sa hagupit ni Opong

P20-M ayuda ipinamahagi sa E. Samar sa hagupit ni Opong

288
0

MANILA, Philippines – Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng PHP19.77 milyong ayuda sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Opong sa Eastern Samar, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa DSWD Field Office 8, naipamahagi na ang 32,371 kahon ng family food packs, 400 kahon ng ready-to-eat food, at 151 non-food items. Nagbigay rin ng cash assistance sa ilalim ng AICS program para sa mga na-rescue na mangingisda, mga nasugatan, at pamilya ng 10 nasawi.

Limang mangingisda mula Maydolong ang nabigyan ng food packs, non-food items, at tig-PHP10,000 para sa kanilang gamutan. Nagbigay din ang DSWD ng tulong-pinansyal sa mga naulila at medikal na ayuda sa siyam na sugatan.

Sa kabuuan, mahigit PHP224 milyon na ang naipamahaging ayuda ng ahensya sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. “Kasama ninyo kami sa panahong ito ng pagsubok,” pahayag ni Assistant Secretary Irene Dumlao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here