MANILA, Philippines – Nasamsam ng Department of Trade and Industry (DTI) ang P13.2 milyong halaga ng hindi sertipikadong kagamitang pambahay sa isinagawang operasyon sa Bulacan.
Ayon sa DTI, higit 3,000 appliances gaya ng kettle, bentilador, rice cooker, pressure cooker, multi-cooker, induction cooker, at blender ang nakumpiska dahil walang Philippine Standard (PS) marks at Import Commodity Clearance (ICC) stickers.
Naglabas ng notice of violation ang DTI sa may-ari ng establisimyento na may 48 oras para magpaliwanag.
Tiniyak ng ahensya na ipagpapatuloy ang nationwide “E-Kalasag” operations upang alisin sa merkado ang mga hindi sertipikado at substandard na appliances para sa kaligtasan ng mga mamimili. Santi Celario