Home NATIONWIDE 14 incumbent at ex-solon ipinatawag ng DOJ sa flood control probe

14 incumbent at ex-solon ipinatawag ng DOJ sa flood control probe

299
0

MANILA, Philippines – Ipapatawag ng Department of Justice (DOJ) ang 10 kasalukuyang kongresista at apat na dating mambabatas na tinukoy nina mag-asawang Cezarah “Sarah” at Pacifico “Curlee” Discaya sa kanilang testimonya sa Senado kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control projects.

Kabilang sa mga pinangalanan sina Reps. Jojo Ang, Patrick Michael Vargas, Nicanor Briones, Florida Robes, Eleandro Jesus Madrona, Odie Tarriela, Reynante Arrogancia, Marvin Rillo, Dean Asistio, Marivic Co-Pilar, at dating kongresista Benjamin Agarao Jr., Florencio Noel, Teodorico Haresco Jr., at Antonieta Eudela.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, iimbitahin muna sila ng NBI at kung hindi dadalo ay isu-subpoena. Sinabi rin niyang nakikipagtulungan ang mag-asawang Discaya at nagsumite ng mga dokumento para patunayan ang kanilang alegasyon.

Nauna nang inirekomenda ng NBI ang pagsasampa ng kaso laban sa 21 katao kabilang sina nagbitiw na Rep. Zaldy Co, Senador Chiz Escudero, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, dating Sen. Ramon Revilla Jr., at dating Rep. Mitzi Cajayon-Uy, batay sa testimonya ng ilang dating opisyal ng DPWH.

Hinimok din ni Remulla si Orly Guteza, dating security aide ni Co, na magbigay ng testimonya sa DOJ matapos niyang akusahan sina Co at dating Speaker Martin Romualdez ng pagtanggap ng kickbacks. Mariin namang itinanggi ng dalawa ang paratang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here