MANILA, Philippines – Naitala ng Department of Health (DOH) ang 260 kaso ng rabies mula Enero hanggang Setyembre 20, 2025, kung saan 95 porsyento ay mula sa mga alagang hayop na hindi nabakunahan o may hindi tiyak na vaccination status.
Ipinaalala ng DOH na pabakunahan taon-taon ang mga aso at pusa, iparehistro sa barangay, at huwag hayaang gumala nang walang bantay.
Pinayuhan din ang publiko na agad magpagamot sa Animal Bite Treatment Center kapag nakagat o nakalmot ng hayop.
Halos 100 porsyentong nakamamatay ang rabies kapag lumitaw ang sintomas, ngunit maiiwasan ito sa pamamagitan ng bakuna at responsableng pag-aalaga ng alaga.
Noong 2024, 426 ang namatay dahil sa rabies, halos kalahati mula sa mga alagang hayop. RNT