Home NATIONWIDE Tourism Start-Up Challenge 2025, inilunsad ng DOT

Tourism Start-Up Challenge 2025, inilunsad ng DOT

308
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang Tourism Start-Up Challenge 2025 na nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante sa kolehiyo na bumuo ng proyektong makikinabang ang mga lokal na komunidad.

Tatlong pambansang nagwagi ang makatatanggap ng tig-₱5 milyon, habang ₱250,000 naman ang matatanggap ng mga regional finalists.

Bawat koponan ay binubuo ng anim na estudyante at isang adviser, at dapat nakaayon ang mga panukala sa National Tourism Development Plan, na nakatuon sa larangan tulad ng teknolohiya, career development, research, at tourism education.

Maaaring magsumite ng entry sa mga regional office ng CHED hanggang Okt. 31, 2025.

Gaganapin ang provincial judging sa Nobyembre, regional sa Enero 2026, at pambansang finals sa Pebrero. Ipagkakaloob ang parangal sa Marso 18, 2026. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here