Home NATIONWIDE PNP pinaigting paglaban sa pekeng donation drive, online scam

PNP pinaigting paglaban sa pekeng donation drive, online scam

270
0

MANILA, Philippines – Pinaiigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay laban sa pekeng donation drives at online scams matapos ang pananalasa ng Bagyong Opong.

Inatasan ni acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na subaybayan ang mga kahina-hinalang social media pages, websites, at e-wallet transactions. Pinayuhan niya ang publiko na magbigay lamang ng donasyon sa mga lehitimong organisasyon.

“Siguruhin na sa mga lehitimo at beripikadong organisasyon mapunta ang inyong donasyon para tunay na makarating ang tulong,” ani Nartatez, sabay panawagan sa mga biktima na agad magsumbong at itabi ang ebidensiya ng transaksyon.

Nagbabala rin si PNP-ACG chief Brig. Gen. Bernard Yang laban sa mga Facebook page na ginagamit ang kanyang pangalan at larawan para mang-scam. Isang biktima ang nagbayad ng ₱10,000 sa isa sa mga pekeng account.

Hinikayat niya ang publiko na siguraduhin ang seguridad ng kanilang online profiles laban sa identity theft.

Mula Setyembre 1 hanggang 25, bumaba ng halos 30 porsyento ang bilang ng mga kaso ng cybercrime kumpara noong nakaraang taon, at 68 na indibidwal ang naaresto ngayong buwan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here