Home NATIONWIDE P20/kg bigas ibebenta ng DA sa Masbate

P20/kg bigas ibebenta ng DA sa Masbate

265
0

MANILA, Philippines – Magbebenta ang Department of Agriculture (DA) ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa Masbate at Eastern Samar sa loob ng isang buwan sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron Na” para sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Opong.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., hanggang 30 kilo lamang ang maaaring bilhin ng bawat sambahayan. Layunin ng programa na maibsan ang epekto ng ₱1.95 bilyong pinsala sa agrikultura dulot ng Opong, bukod pa sa mga naunang pananalasa ng bagyong Mirasol at Nando.

Nagpatupad din ang DA ng price freeze sa mga produktong agrikultural sa mga apektadong lugar upang manatiling abot-kaya ang pagkain. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here