Home HOME BANNER STORY 15 pang nasawi sa hagupit ni Opong, bineberipika ng OCD

15 pang nasawi sa hagupit ni Opong, bineberipika ng OCD

219
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD), na may 15 pang nasawi na posibleng kaugnay ng Severe Tropical Storm Opong na bineberipika sa Bicol at Eastern Visayas, na maaaring magpataas ng bilang ng mga namatay sa 42.

Sinabi ni OCD Asst. Sec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV na 27 ang kumpirmadong namatay mula sa epekto ng Opong, Super Typhoon Nando, Tropical Depression Marisol, at pinalakas na habagat.

Kabilang dito ang siyam sa Bicol, walo sa Cagayan Valley, apat sa CAR, tig-dalawa sa Central Luzon at Central Visayas, at tig-isa sa Mimaropa at Eastern Visayas.

Karamihan sa mga hindi pa beripikadong kaso ay mula Biliran, kung saan ilang nakatatandang residente na bumalik sa kanilang bahay ay tinangay ng flashfloods at storm surge. Ang beripikasyon ay ginagawa ng Management of the Dead and the Missing Cluster na pinamumunuan ng DILG.

Sa Masbate, na pinakamalubhang tinamaan, problema ang kakulangan ng suplay ng krudo na nagpapahirap sa relief operations.

Ayon kay Alejandro, paubos na ang stock ng fuel na nakakaapekto sa transportasyon at nagpapatagal ng pagpapanumbalik ng kuryente at komunikasyon. Nakikipag-ugnayan na ang PPA at DOTr para mapabilis ang paghahatid ng suplay mula mainland Bicol.

Mahigit 105,000 indibidwal ang nananatili sa mahigit 1,500 evacuation centers sa buong bansa, kabilang ang 29,000 sa Masbate na nangangailangan ng mga materyales para sa pabahay. Sapat naman ang pagkain dahil patuloy na nire-replenish ng DSWD ang mga family food pack.

“We are doing everything to prioritize their needs. Rest assured of our continued assistance and support,” ani Alejandro. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here