Home NATIONWIDE Nasalantang palay bibilhin ng ‘di bagsak-presyo ng NFA

Nasalantang palay bibilhin ng ‘di bagsak-presyo ng NFA

298
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng National Food Authority (NFA) nitong Martes na bibilhin nito ang mga palay na nasira ng bagyo sa mga apektadong lugar upang tulungan ang mga magsasaka, at tiniyak na hindi babagsak sa single-digit ang presyo.

“That will not happen… We will not buy at a single-digit price per kilo, definitely not,” ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, sabay sabing nasa ₱2 hanggang ₱3 mas mababa sa kasalukuyang PRICERS scheme ang buying price ng NFA, na nakatakda sa ₱23 kada kilo para sa tuyong palay at ₱17 kada kilo para sa basang palay.

Nauna nang iniulat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na bumaba sa ₱6 hanggang ₱8 kada kilo ang alok ng ilang traders matapos ang bagyo, mas mababa pa sa production cost ng mga magsasaka.

Kumpiyansa si Lacson na makakaapekto sa presyo sa merkado ang interbensyon ng NFA.

“If I secure 15 percent or 10 percent of the market, it will definitely affect the price,” aniya, at idinagdag na uunahin ng ahensya ang pagbili ng tuyong palay para mas mabilis ang disposal.

Plano rin ng gobyerno na magtakda ng floor price para sa palay, habang humihiling ang NFA ng ₱3 bilyong pondo para sa emergency procurement, logistics, at karagdagang warehouse.

Ayon sa NFA, nasa 446,000 metric tons ang rice stock inventory o katumbas ng 12 araw na supply. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here