Home NATIONWIDE 3rd nominee ng Ako Bicol Party-list, ipapalit kay Co

3rd nominee ng Ako Bicol Party-list, ipapalit kay Co

317
0

MANILA, Philippines – Maaaring iangat ang ikatlong nominado ng Ako Bicol Party-list kapalit ng nagbitiw na si Representative Zaldy Co.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nakakuha ng dalawang upuan ang nasabing party-list noong nakaraang halalan, kaya’t ang ikatlong nominado sa kanilang listahan ang aangat at papalit kay Co.

Sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na hinihintay lamang nila ang abiso ng Kamara para sa proklamasyon ng papalit sa nagbitiw na kongresista.

Idinagdag pa na kinakailangan munang magsumite ng sulat ang House of Representatives sa Comelec bago maiproklama ang nominado na papalit kay Co, ang first nominee ng Ako Bicol Party-list na nagbitiw sa puwesto.

Batay sa listahan na isinumite ng grupo sa Comelec, si Jan Franz Norbert Joselito Almario Chan ang ipoproklama ng National Board of Canvassers bilang kapalit ni Co sa Kamara.

Binigyang-diin din ni Garcia na hindi na kailangan pang magtalaga ng officer-in-charge para sa Ako Bicol Party-list, at dapat agad na iproklama ang bagong kinatawan nito sa Kongreso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here