Home NATIONWIDE 3 PCG personnel nasawi sa Cebu quake

3 PCG personnel nasawi sa Cebu quake

320
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong tauhan nito ang nasawi sa nangyaring 6.9 magnitude quake sa Cebu.

Ayon sa PCG, iniulat ng Coast Guard District Central Visayas (CGDCV) ang pagkakakilanlan ng tatlong coast guard personnel na sina Seaman Second Class Lawrence Palomo PCG, Apprentice Seaman Jujay Mahusay PCG, at Apprentice Seaman Er Cart Dacunes PCG.

Batay sa impormasyon na naiparating ng CGDCV sa PCG Manila, nasawi ang tatlong coast guard personnel matapos gumuho ang San Remegio Sports Complex sa pagyanig ng malakas na lindol.

Ipinadala na ang support teams upang tulungan ang kanilang mga naulilang pamilya at tiyakin na maibibigay ang kanilang mga agarang pangangailangan.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here