Home ENTERTAINMENT Rocco, hindi nakapagtimpi sa mga Discaya!

Rocco, hindi nakapagtimpi sa mga Discaya!

271
0

Manila, Philippines – Isa ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa mga punô na rin sa “palabas” ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Nag-react ang aktor sa heart sign na finlash ni Sarah nang makorner ng media sa DOJ.

Nitong September 27, Sabado, kung saan nais mag-apply ng Witness Protection Program ang Discaya couple, nag-flash ng heart sign si Sarah sa harap ng media sabay dayalog ng: “Gandahan n’yo mga memes ko!”

Namumutiktik ng komento ang eksenang ’yon sa social media.

Hindi nga pinalampas ni Rocco ang makaagaw-eksena ni Sarah.

Rocco posted: “Ang kapal ng mukha! Ang itim ng ugali, kasing-itim ng nunal niya!”

Ang nunal sa mukha ni Sarah ang prominenteng distinguishing mark niya.

Samantala, binara ni DOJ Spokesperson Mico Clavano ang heart sign ni Sarah: “This is a sign of insincerity and complacency. We urge all persons of interest in this case to behave accordingly.”

Hindi rin daw porke’t hinihiling ng mga Discaya na maisama sa Witness Protection Program ay ibig sabihin maaari na silang maging state witness.

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here