Home NATIONWIDE 60-araw na price freeze sa Cebu, ipinatupad

60-araw na price freeze sa Cebu, ipinatupad

282
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng 60-araw na price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Cebu matapos ideklara ang state of calamity dahil sa magnitude 6.9 na lindol, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules.

Nag-deploy ng monitoring teams ang DTI upang tiyakin ang sapat na supply at maiwasan ang sobrang taas ng presyo. Saklaw ng freeze ang mga pangunahing bilihin gaya ng LPG at kerosene.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, layon ng hakbang na protektahan ang mamimili at panatilihing abot-kaya ang presyo. “Beyond enforcing the price freeze, our priority is to ensure that prices and supplies are affordable and stable,” aniya.

Dagdag ng Department of Energy, makatutulong ang price freeze na maiwasan ang dagdag pasanin sa mga pamilya at matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng mga pangunahing produktong panggatong na mahalaga para sa pagluluto, ilaw, at agarang pagbangon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here