MANILA, Philippines – PANSAMANTALANG isasara ang emergency room ng Ospital ng Sampaloc sa lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang tatlong buwang rehabilitasyon nito para sa mas maayos na pagbibigay ng serbisyong medikal sa publiko, partikular na sa mga Manilenyo.
Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at 4th District Congresswoman Giselle Maceda ang groundbreaking ceremony para sa gagawing pagkukumpuni ng emergency room na pangangasiwaan ni City Engineer Armand Andres.







