Home ENTERTAINMENT Carla, nagbigay na ng clue sa mystery date!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Carla, nagbigay na ng clue sa mystery date!October 2, 2025 14:353060 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Pasasaan ba’t ipakikilala din ni Carla Abellana ang “mystery guy” na idine-date niya?Matatandaang nag-post siya ng nakakaintrigang photo sa social media noong July 18, 2025.Pero no picture of the guy was shown.Bandang early August sa 24 Oras ay inamin ng Kapuso actress na nakikipag-date na siya.Nasundan pa ‘yon ng ikalawang pagkakataon.In her recent guesting on Fast Talk with Boy Abunda, Carla dropped hints at the identity of the guy.“Hindi po siya afam,” sey ng aktres, na ang ibig sabihi’y hindi foreigner o ibang lahi ang ka-date niys nang makalawang beses.Inamin naman niyang pagkatapos ng kanyang masaklap na nakaraan, she became open to meeting people.Nag-heal na raw kasi ang mga sugat ng nakalipas, even stressing na nakapagpatawad na rin siya.By forgiveness, does it include na handa na si Carla to come face-to-face with Tom Rodriguez?Malinaw niyang sagot kay Boy: “Not at the moment!”Again, only time can tell when Carla is ready for it. Ronnie Carrasco III