Home ENTERTAINMENT Leila Barros, bumalik sa Pinas, pinagkaguluhan!

Leila Barros, bumalik sa Pinas, pinagkaguluhan!

292
0

Manila, Philippines- Pinagkaguluhan na parang isang sikat na Kapamilya o Kapuso star si Leila Barros nang pumasok ito sa MOA arena, huh!

Sa totoo lang, ramdam pa rin ang init ng suporta ng mga Pinoy fans sa Brazillian volleyball star, huh!

Noon pa man ay tagahanga na kami ni Leila Barros nang ngayon ay senator na sa Brazil representing the Federal District.

Hindi lang naman kami kundi maraming Pinoy fans ang gustong makita siya ng personal, huh!

Matapos ang mahigit dalawang dekada, nakabalik muli sa Pilipinas ang Brazilian volleyball superstar.

Isa na siyang senadora na naka-ilang termino na at ayon pa sa kanya thru her interpreter ay siya lang ang bukod tanging pulitiko sa Brazil na galing sa sports at naging matagumpay na pumasok sa larangan ng pulitika, huh!

Hindi nga naman kagaya dito sa Pilipinas na basta kilala at sikat ay nagwagi agad sa eleksiyon pero nangamote naman sa posisyong pinasok, huh!

Well back to Sen. Leila Barros, dumating siya sa Pilipinas for a quick visit at para saksihan ang semifinals at finals ng FIVB Men’s World Championship 2025 sa SM Mall of Asia Arena.

Matatandaang minahal ng mga Pinoy si Leila noong 2000 FIVB Grand Prix at hanggang ngayon, solid pa rin ang suporta ng kanyang mga fans, huh! Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here