MANILA, Philippines – Pinayagan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng pulang at puting sibuyas pati na rin ng carrots upang pababain at patatagin ang presyo sa mga pamilihan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tumaas sa ₱140–₱160 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas kaya’t pinabilis ang pagdating ng 3,000–5,000 metric tons bago ang lokal na anihan sa Pebrero.
Ang importasyon ng puting sibuyas na nagsimula pa noong nakaraang buwan ay nakapagpababa na ng presyo sa ₱100–₱120 mula ₱160.
Nagsimula na ring mag-angkat ng limitadong volume ng carrots noong Oktubre 1 mula China, Netherlands, at Cambodia matapos tumaas sa ₱257.58 kada kilo ang presyo nito sa Metro Manila. Santi Celario