MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa ₱245 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska at mahigit 4,200 ang naaresto noong Setyembre sa 4,624 operasyon sa buong bansa. Dalawang suspek ang napatay.
Kabilang sa nakumpiska ang 31.4 kilo ng shabu, 15.6 kilo ng tuyong marijuana, 121,740 tanim ng marijuana, 3.4 kilo ng kush, at 40 gramo ng ecstasy.
Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patunay ito ng pagtupad ng pulisya sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya kontra droga. Dagdag ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, malaking papel ang tiwala at kooperasyon ng publiko sa pagpapatuloy ng tagumpay.
Sa Metro Manila, 1,276 suspek ang naaresto at ₱40 milyon halaga ng droga ang nasamsam. Iniulat din ng NCRPO ang pagkakaaresto sa 503 most wanted, 884 na may warrant of arrest, 1,507 sangkot sa sugal, at 195 dahil sa loose firearms.
Umabot din sa halos 262,000 ang nahuling lumabag sa lokal na ordinansa gaya ng pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar, curfew ng menor de edad, at iba pa. Santi Celario