Home HOME BANNER STORY P850-M ‘tsaabu’ nasamsam ng PDEA sa Pangasinan

P850-M ‘tsaabu’ nasamsam ng PDEA sa Pangasinan

357
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang ₱850 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pangasinan noong Oktubre 2, 2025, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang iligal na droga, tumitimbang ng humigit-kumulang 125 kilo at nakalagay sa mga plastik na tea bag, ay nakumpiska sa Olongapo-Bugallon Road sa tulong ng PNP Drug Enforcement Group, NICA, at AFP Counterintelligence Group.

(c) Danny Querubin

Naaresto sina alyas “Monkey,” 40-anyos na Chinese national mula Cavite, at alyas “Gardo,” 54, mula Zamboanga City. Narekober din mula sa kanila ang isang Hyundai Starex, cellphone, at marked money.

Sasampahan sila ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000 hanggang ₱10 milyon.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani R. Nerez, bunga ito ng matagal nang pagmamanman sa mga sindikatong sangkot sa drug trafficking. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here