Home METRO Tsuper ng dyip utas sa galit ng kapwa driver

Tsuper ng dyip utas sa galit ng kapwa driver

359
0

BATANGAS – Patay ang isang jeepney driver matapos barilin ng kapwa driver dahil umano sa galit ng huli hinggil sa kanilang asosasyon, iniulat sa Lipa City.

Binawian ng buhay habang dinadala sa ospital ang biktima na kinilalang si Edwin Arida, 46-anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Niing, San Antonio, Quezon.

Nadakip naman sa isinagawang hot pursuit operation ang suspek na kinilalang si Ramil Orense, nasa hustong gulang, jeepney driver, at residente ng Brgy. Tangob, Padre Garcia, Batangas.

Batay sa report ng Lipa City Police Station, bandang 3:40 p.m. naganap ang krimen sa pilahan ng jeep sa P. Torres St., Brgy. 6 ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na may kausap sa cellphone ang biktima sa loob ng kanyang pinapasadang jeep nang biglang sumulpot ang suspek.

Dito, pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek at makalipas ang ilang oras, nadakip ito sa Mataas na Kahoy. Nahaharap na ito sa kasong pagpatay.

(Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here