MANILA, Philippines – Maaring magsimulang magsampa ng mga kaso ang Department of Justice sa loob ng 90 hanggang 120 araw kaugnay sa maanomalyang flood control projects kung saan nasa 100 hanggang 200 katao sa buong bansa ang maaaring sangkot, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Miyerkules.
Sinabi ni Remulla na ang mga awtoridad ay magsasampa ng unang reklamo o kaso kaugnay ng mga ghost projects.
Noong Miyerkules, nagtungo sa DOJ si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo na nagdawit ng ilang mambabatas at opisyal ng gobyerno sa Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Remulla, mahigit 100 indibidwal ang maaaring sangkot sa umano’y maling paggamit ng bilyong piso para sa flood control projects.
Aniya, 67 sa mga ito ay naiulat na mula sa bulwagan ng Kongreso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)