Home NATIONWIDE Sen. Chiz, pagpapaliwanagin ng Comelec sa P30M campaign donation

Sen. Chiz, pagpapaliwanagin ng Comelec sa P30M campaign donation

237
0

MANILA, Philippines – Ipapatawag ng Commission on Elections (Comelec) si Senator Francis “Chiz” Escudero sa susunod na linggo upang pagpaliwanagin sa P30 milyong campaign donations na kanyang natanggap mula sa isang contractor para sa kanyang 2022 senatorial bid.

Sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na maglalabas ng show cause order (SCO) laban kay Escudero matapos makipagpulong noong nakaraang linggo si Centerways Construction and Development Inc. president Lawrence Lubiano sa pamamagitan ng kanyang legal counsel.

Nauna nang inamin ni Lubiano sa pagdinig sa Kamara na nag-donate ng P30 milyon sa kampanya ni Escudero at aniya, ang donasyon ay mula sa sarili niyang bulsa.

Sinabi ni Garcia na hindi lamang si Escudero ang iniimbestigahan ng poll body, kundi maging sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y ilegal na donasyon sa kanilang kampanya noong 2022.

Sinabi naman ng Malacañang na bukas si Marcos na maimbestigahan kaugnay ng iniulat na kontribusyon.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here