Home NATIONWIDE Cebu BPO workers, umalma sa sapilitang pagpapatrabaho sa kabila ng lindol

Cebu BPO workers, umalma sa sapilitang pagpapatrabaho sa kabila ng lindol

322
0

MANILA, Philippines – Pormal na nagsampa ng reklamo sa Department of Labor and Employment–Regional Office 7 (DOLE-RO7) ang isang grupo ng mga manggagawa sa call center, na binanggit ang mga ulat ng labor rights at occupational safety violations ng ilang business process outsourcing (BPO) companies sa gitna ng 6.9-magnitude na lindol na tumama sa Cebu noong Martes, Setyembre 30.

Sinabi ng BPO Industry Employees Network (BIEN)-Cebu na nakatanggap ito ng hindi bababa sa 100 reklamo mula sa mga ahente kaugnay ng mga diumano’y paglabag sa loob ng wala pang dalawang araw, na nagbubunyag ng “matagalang isyu ng deregulasyon at kawalan ng pangangasiwa sa mga kumpanya ng BPO.”

Kabilang sa mga ulat na natanggap ng organisasyon ng mga manggagawa ay ang mga ahenteng pinilit na mag-report sa trabaho, at mga empleyadong pinadalhan ng mga notice-to-explain, pinatawan ng mga parusang administratibo, tinanggalan ng attendance incentives at benepisyo, at iba pang uri ng paghihiganti matapos nilang piliing hindi pumasok.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na sinimulan na ng DOLE-RO7 ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang mga tamang aksyon na maaaring gawin laban sa mga umano’y lumabag na kumpanya ng BPO.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here