Home NATIONWIDE Pagtugon sa illegal fishing, digital transformation, isinulong ni PBBM sa APEC

Pagtugon sa illegal fishing, digital transformation, isinulong ni PBBM sa APEC

7
0

MANILA, Philippines – Itinaas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin ng ilegal at hindi reguladong pangingisda sa kanyang paglahok sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting nitong Huwebes.

Nanawagan ang Pangulo ng sama-samang pagkilos upang matugunan ang problema ng illegal fishing.

Isinulong din niya ang paggamit ng artificial intelligence (AI) para sa digital transformation ng micro, small and medium enterprises (MSMEs), gayundin ang pagpapaunlad ng sustainable blue economy.

Muling iginiit ni Marcos ang suporta ng Pilipinas sa rules-based multilateral trading system at binigyang-diin ang pagtatapos ng ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA) sa ilalim ng pamumuno ng bansa bilang ASEAN Chair.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na isa ang DEFA sa pinakamahalagang tagumpay ng pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN.

Binigyang-diin din niya na dapat magbunga ng konkretong pakinabang para sa publiko ang mga talakayan sa APEC, kabilang ang paglikha ng trabaho, mas malawak na access sa serbisyong pangkalusugan at paghahanda sa pagbabago ng demograpiya at paglago ng silver economy. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here