MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Health (DOH) na may sapat na suplay ng mga pangangailangan sa kalusugan sa pagtama ng bagyong Paolo.
Sa pahayag ng DOH, naghahanda ang kanilang regional offices partikular sa Northern at Central Luzon sa inaasahang pag-landfall ng bagyo sa Isabela o Northern Aurora ngayong araw.
Ilan lamang sa mga pangangailangang gamot sa ganitong mga sakuna ang doxycycline, gamot sa ubo, lagnat at sipon.
Bukod dito, nakahanda na rin ang mga Oral Health Care Packages, malinis na inuming tubig, water containers at hygiene kits.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng Cold Chain Monitoring ang DOH para matiyak na ligtas at nasa maaayos na kondisyon ang mga bakuna.
Inaasahan ang pagresponde ng DOH sa mga evacuation centers sakaling kailanganing lumikas ng mga apektado ng bagyo Paolo. Jocelyn Tabangcura-Domenden