MANILA, Philippines – Nasa 100 na maanomalyang proyekto ang natanggap ng Department of Interior ang Local Government (DILG) na sumbong kaugnay sa substandard at ghost projects sa flood control sa mga local government units o LGUs.
Sa kanyang pagbisita sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sinabi ni DILG secretary Jonvic Remulla na nakakalap sila ng mga impormasyon maging mula sa mga gobernador at alkalde hinggil sa mga nadidiskubreng ‘ghost’ at ‘substandards’ na mga proyekto.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, karaniwan sa mga tinamaan sa mga maanomalyang proyekto ang mga mayor at governor.
Ilan dito ay nadiskubre sa Bulacan at Mindoro.
Ayon kay Remulla, isusumite nila ang ‘compilation’ ng mga report na natanggap sa opisina ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden