Home ENTERTAINMENT Andrea, lagare sa raket!

Andrea, lagare sa raket!

352
0

Manila, Philippines- Lagare sa dalawang pelikula ang beauty ni Andrea Brillantes. Katatapos lang mag-shoot ni Andrea sa Bangkok, Thailand.

Right after umapir ang beauty niya sa malaking rally sa EDSA, kinabukasan ay lumipad na siya patungong Bangkok.

Shinoot ni Andrea sa Bangkok ang pelikulang “Rekonek” mula sa Reality Films na entry para sa 2025 Metro Manila filmfest.

One week nag-stay si Andrea sa Bangkok and then, gorabels na sya sa Oslob para naman sa shoot ng isa pa nyang pelikula titled “Laya.”

Lumabas na rin ang bonggang poster para sa bagong endorsement ni Andrea together with Bea Alonzo.

Si Bea at Andrea ang bagong ‘Queens’ ng NUSTAR OnlinePH.

Matagal na raw shinoot nina Bea at Andrea ang picture na lumabas online para sa ad campaign ng NUSTAR OnlinePH.

Inaabangan na kung anong klaseng pasabog ang gagawin para sa ad campaign ng bagong endorsement ng dalawang “Queens.”

Abangan. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here