Home ENTERTAINMENT Ashley Lopez, nakipaglampungan sa gym at sa rooftop!

Ashley Lopez, nakipaglampungan sa gym at sa rooftop!

739
0
Screenshot

Manila, Philippines- Ibang klase talaga ang tindi ng kamandag ng sexy actress na si Ashley Lopez.

Marami kasing barako ang nabibighani sa kanya, kaya madalas tumututok sa kanyang mga pelikulang pampainit sa VMX app.

Ang latest na proyekto ni Ashley na muling magsasabog ng pampagana at pampainit ay via the movie ‘Kirot’.

Kuwento ni Ashley, “Kirot po ang title ng movie dahil ako po ay may sakit sa puso at kailangang operahan.

“Bale, iyong heart donor ko po ay namatay siya sa isang aksidente.

“Na-curious ako sa heart donor ko na si Angelica na gagampanan po ni Jenn Rosa at unti-unti ko siyang makikilala sa mga podcast niya.

“Doon ko na rin po makikilala ang naging parte ng buhay niya at unti-unti ko pong inaalam kung sinong pumatay sa kanya.”

Aniya pa, “Isang suspense sexy-drama po ang movie naming ito… Bale, dati akong conservative then after a heart transplant ay unti-unti pong namumulat sa sex.

“Kaya makikita po ako rito kung paano unti-unting nagbabago mula sa isang babaeng walang muwang sa kanyang sex life, sa isang babaeng naging liberated sa sex.”

Ayon pa sa hot na hot na talent ni Jojo Veloso, ibang Ashley daw ang mapapanood sa kanya rito sa pelikulang Kirot.

“This time ibang Ashley po ang mapapanood ninyo, kasi very demure po ako rito pero may mga love scenes na talagang aabangan dahil kasama ko ang nag-iisang Jenn Rosa.”

Ano ang ipinasilip niya rito?

Nakangiting tugon ni Ashley, “Masisilip po ninyo rito ang mga love scene namin na magaganap sa gym, pati na rin po sa rooftop… na kitang-kita po talaga ang city lights and ilaw ng mga sasakyan.”

Ang Kirot ay mula sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio Jr.. Bukod kina Jenn at Ashley, tampok din dito sina Rinoa Halili, JC Tan, at Dio de Jesus. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here