Home HOME BANNER STORY Paolo lumabas na ng PAR; Signal No. 1 nakataas pa rin sa...

Paolo lumabas na ng PAR; Signal No. 1 nakataas pa rin sa 7 lugar sa bansa

341
0

MANILA, Philippines – Umalis na sa Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm na si Paolo, ayon sa PAGASA sa kanilang 5 a.m. Saturday bulletin.

Alas-4 ng umaga, namataan si Paolo sa layong 295 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 km/h.

Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

-western portion of Abra (Danglas, Bangued, Langiden, San Quintin, Pidigan, San Isidro, Pilar, Villaviciosa, Peñarrubia, Manabo, Luba, Tayum, La Paz, Lagayan, Tubo, Bucay, Dolores, San Juan, Lagangilang)
-western portion of Benguet (Bakun, Kibungan, Kapangan, Sablan, Tuba, Mankayan, Tublay, La Trinidad, Baguio City)
the southern portion of Ilocos Norte (Nueva Era, Banna, Badoc, Pinili, City of Batac, Paoay, Marcos, Currimao)
-Ilocos Sur
-La Union
-western and central portions of Pangasinan (Bolinao, Bani, Agno, Burgos, Dasol, Mabini, Infanta, Bugallon, Labrador, Sual, City of Alaminos, Lingayen, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, San Carlos City, Binmaley, Dagupan City, Calasiao, Basista, Bayambang, San Fabian, San Jacinto, Mangaldan, Mapandan, Santa Barbara, Malasiqui, Alcala, Bautista, Santo Tomas, Villasis, City of Urdaneta, Manaoag, Laoac, Pozorrubio, Sison)
-northern portion of Zambales (Iba, Candelaria, Palauig, Santa Cruz, Masinloc)

“Paolo will continue moving west northwestward towards southern China. While moving over the West Philippine Sea, Paolo will re-intensify into a typhoon this morning or afternoon,” ayon sa PAGASA.

Sa susunod na 24 oras, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ni Paolo.

Inaasahan ang localized thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ang hangin ay magiging katamtaman hanggang sa malakas kasama ang katamtaman hanggang sa maalon na tubig sa baybayin sa hilagang at kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin at mahina hanggang sa katamtamang mga baybaying dagat ang inaasahan para sa natitirang bahagi ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here