Home METRO Magat dam nagpakawala ng tubig sa hagupit ni Paolo

Magat dam nagpakawala ng tubig sa hagupit ni Paolo

337
0

ISABELA, Philippines – Anim na spillway gate sa Magat Dam ang binuksan noong Biyernes dahil sa malakas na pag-ulan dala ng Severe Tropical Storm Paolo, sinabi ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

Ang Magat Dam ay matatagpuan sa Magat River sa hangganan sa pagitan ng mga munisipalidad ng Alfonso Lista, Ifugao at Ramon sa Isabela.

“Sa patuloy na pag-uulan dulot ng TS Paolo, nakakapagtala ang ating rainfall gauges ng malalaking volume ng tubig na pumapasok sa ating Magat Watershed na dadaloy sa ating Magat Reservoir,” ayon sa advisory.

“Para mapanatili ang ligtas na lebel ng tubig sa ating Magat Dam and Reservoir, at magbigay espasyo sa posibleng malaking tubig ulan na papasok, magkakaroon ng mga karagdagang pagbubukas sa ating Magat Dam Spillway gates,” dagdag nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here