TACLOBAN CITY, Philippines – Patay ang isang lolo nang masagasaan at pumailalim sa truck habang tumatawid sa kalsada, kahapon sa bayan ng Tigbao.
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa pangalan Leo, 89, at residente sa nasabing lungsod.
Batay sa report ng Tacloban City Police Office–Police Station 2 (TCPO-PS2), bandang 7:00 AM Oktubre 3, 2025 naganap ang insidente Brgy. 94, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, tinatawid ng biktima ang kalsada patungo sa kanilang tirahan ng bigla na lamang itong mahagip ng Mitsubishi Canter FE71 refrigerated truck na pagmamay-ari ng Roadwise Logistics Corporation, National Capital Region, na minamaneho ng suspek na si alyas Jun, 27-anyos, at residente ng Alang-Alang, Leyte.
Sinabi ng pulisya, bago ang insidente, nag-overtake ang suspek sa kasunod nitong sasakyan hanggang sa mahagip nito ang biktima.
Dahil mabilis ang patakbo ng suspek pumailalim ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Dinala sa kustodiya ng nasabing himpilan ng pulisya ng suspek at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. /Mary Anne Sapico