Home HOME BANNER STORY Bisa ng akreditasyon sa mga driving schools, medical clinics pinalawig ng LTO

Bisa ng akreditasyon sa mga driving schools, medical clinics pinalawig ng LTO

356
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensya para sa driving schools, driving school instructor, medical clinics at physician sa bansa.

Sa isang memorandum na may petsang Setyembre 29 at inilabas noong BIyernes, sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II na ang accreditation ay pinalawig hanggang Oktubre 31 para sa mga lisensyang nakatakdang mag-expire sa pagitan ng HUlyo 2 at Oktubre 15 ngayong taon.

Inilabas ang memorandum sa lahat ng LTO regional offices kabilang ang Central Accreditation Committee on Driving Schools and Medical Clinics (CAC-DSMC).

Ayon kay Mendoza, layon ng pagpapalawig na matiyak ang tuloy-tuloy at walang hadlang na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko habang sinusuportahan ang isang tuloy-tuloy at mahusay na paglipat sa sentralisasyong sistema ng akreditasyon.

Sa panahon ng extension sinabi ni Mendoza na ang lahat ng nauugnay na akreditasyon ay mananatiling valid at aktibo sa loob ng Land Transportation Management System. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here