Manila, Philippines – Sa ngayon ay alam na ng lahat na ang sikat na stand-up comedian at mashup master na si Ate Gay at may stage 4 na cancer at tinaningan pa ng doktor ang buhay at sinabihang diumano ay hindi na raw aabutin ng 2026.
Na-interview naman recently ng mga taga entertainment media ang life coach, finance guru at ngayon ay isa ng biohacker ba si John Calub.
Viral kasi ngayon sa socmed ang biohacking ni Calub kung saan ay pinagagaling nito ang sari-saring sakit sa katawan gamit ang various methods in optimizing your body and life.
Ang sabi pa, biological functions commonly targeted for biohacking include nutrition, sleep, productivity and performance. Beyond diet and supplements, there’s a world of biohacking technology that people of all ages and activity levels use to recover, perform and live better.
In layman’s term ay pinagsama ni calub ang traditional ancient wisdom and modern technology ng pagpapagaling ng mga sakit.
Sinabi rin ni Calub na in less than 30 days, its possible na all of your symptoms are gone without operations and surgery.
Kasama sa sinasabing biohacking ni Calub ang meditation, silencing the mind, removal of stress, hydration with water, bio technology, positive thinking, regeneration, detox, sleep, nutrition, exercise, rewilding and supplements.
May ginagamit din na QI Coil Rife Frequency Generator si Calub kung saan ay kinukuryente nito ang mga cells ng katawan natin para muling ma-activate.
Dahil dito ay nasabi tuloy ng mga kasamahan sa media na malamang ay kaya nitong mapagaling ang sakit na cancer ni Ate Gay.
Sinabi pa na kung sakaling mailalapit lang kay John Calub si Ate Gay ay pwede nitong subukan ang biohacking at baka may positobo itong maitulong sa sakit ni John.
Kung sakali ay wala namang masama kung susubukan ito ni Ate Gay, di ba?
At this point ay kailangan ng magaling na komedyante anv lahat ng tulong na lwedeng maibigay.
Anyway, bonanggit naman ni Calub na araw araw siyang may healing session sa Broadway Centrum sa Quezon City. JP Ignacio