Home ENTERTAINMENT Angel, aminadong naiiyak sa galit!

Angel, aminadong naiiyak sa galit!

307
0

Manila, Philippines – Balik social media ang aktres na si Angel Locsin pagkatapos ng ilang taong pananahimik.

Tulad ng ibang celebrities, hindi rin nakatiis si Angel na maglabas ng kanyang hinaing sa malaking isyu ng korupsyon na nabulgar sa ma-anomalyang flood control projecta ng Department of Public Works & Highway (DPWH).

Idinanaan ni Angel sa pag-post ng artcard sa kanyang IG story ang pagbabahagi niya  on her stand sa current crisis sa bansa.

Pahayag ni Angel sa art card, “Today, I’m breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption – may God give you more strength to keep going.

“Watching the hearings, I couldn’t help but remember the messages and news of people begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods/typhoons.

“Naiiyak ako sa galit. kasi pwede palang hindi sila naghirap. Pwede palang walang nasaktan. Pwede palang walang namatay.

“Ang bigat. Nakakapanghina yung ganitong kasamaan.

“Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”

Bukod d’yan, naglabas din si Angel ng picture n’ya suot ang black t-shirt na siya ring kulay ng tshirt na suot ng mga nag-rally sa  Luneta.

Isang matapang na statement nga ang pinakawalan ni Angel sa X (dating Twitter).

Post ni Angel sa X, “Ang sa amin, galing sa hirap—ang sa inyo, galing sa mahihirap.”

Next na aabangan ng madlang pipol ay ang paglantad muli ni Angel sa publiko. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here