Home NATIONWIDE Liderato ng Senado suportado pa rin ni Lacson

Liderato ng Senado suportado pa rin ni Lacson

319
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng patuloy pa ring suporta si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sa liderato ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kabila ng report na ilang senador ang nagbabalak na umalis sa majority bloc.

“Kung ako tatanungin, patuloy yung support ko sa kanya. Ngayon, kung sa pananaw ng aking mga kasamahan nagkukulang din siya sa leadership, eh lagi naman ganyan sa Sesnate, kung sino merong majority, kung sino may at least 13 ay pwede tanggalin ang nakaupo at palitan kung sino man merong 13,” sinabi ng senador sa panayam ng DZBB nitong Linggo, Oktubre 5.

Aniya, nasaksihan niya ang liderato ni Sotto sa Mataas na Kapulungan sa mahabang panahon sa 19th Congress.

“Maayos siya magpalakad, maayos ang kanyang leadership. Laging consensus. Hindi siya nagdidkta, hindi siya nag dedecide mag isa,” dagdag pa ni Lacson.

Nang tanungin kung nananatili pa ring matatag ang liderato ni Sotto, matapos na maiugnay ang ilang mambabatas sa mga anomalya sa flood control projects, sinabi ni Lacson na ayaw niyang pangunahan at hulaan ang opinyon ng kanyang mga kasamahan.

“Hindi ko alam kasi nasa isipan yun ng aking mga kasamahan,” ani Lacson.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng sinabi ni Senator JV Ejercito na dismayado ito sa tila paglimot ng Senado sa mga totoong sangkot sa iregularidad sa flood control projects, at pinag-iisipan na umano niya ang pag-alis sa majority bloc. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here