Home NATIONWIDE Right to information act, isinama na sa LEDAC ng 20th Congress

Right to information act, isinama na sa LEDAC ng 20th Congress

241
0

MANILA, Philippines – Matapos ang halos apat na dekadang pagkakabinbin, opisyal nang isinama sa Common Legislative Agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council para sa 20th Congress ang isa sa mga pangunahing batas na tinutulak ngayon ng pamahalaan Right to Information o RTI Act.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, layon ng panukalang batas na palakasin ang transparency at good governance sa pamamagitan ng mas mabilis na paglalabas ng impormasyon mula sa pamahalaan.

Mahalaga aniya ang RTI Act upang labanan ang disinformation, protektahan ang mga whistleblower, at hikayatin ang mamamayan na makibahagi sa pamamahala.

Itinuturing na makasaysayan at patunay ng panibagong pangako ng gobyerno na itaguyod ang karapatan ng bawat Pilipino sa impormasyon ang pagkakasama ng RTI Act sa 44 na priority measures.

Kasabay nito, isinusulong din ng DBM ang Progressive Budgeting for Better and Modernization Governance Act na layong palakasin ang fiscal transparency at disiplina sa paggugol ng pondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here