MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga isyu sa Medical Assiatnce to indigent and Financially Incapacuatted Patients (MAIFIP) Program at sa mga umano ay ghost health center, sinabi ni Health Seretary Teodoro Herbosa.
Ayon sa kalihim, tinitignan na ng DOH ang mga anomalya na kinasasangkutan ng MAIFIP Program na nagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga gastusing medikal ng mga kwalipikadong aplikante.
“Actually the DOH has been investigation these anomalies way before media picked it up. Severak actions have been taken already and we continue to do case build up,” ayon sa post ni Herbosa sa kanyang X account.
Kasunod ito ng ibinunyag ng Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa irregularidad sa ahensya gayundin ang sinabi ni DOH budget sponsor at Bataan Representative Albert Garcia na 200 lamang sa 600 health centers sa ilalim ng Health Ffacilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH ang gumagana, ito ay dahil sa kakulangan ng tauhan at hindi mga ghost project. Jocelyn Tabangcura-Domenden