MANILA, Philippines – Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Cardinal Pablo Virgilio David para sa isang pambansang araw ng panalangin at pampublikong pagsisisi sa Oktubre 7, 2025, ang Pista ng Our Lady of the Holy Rosary.
Sa post sa Facebook, nanawagan ang Cardinal ng panalangin ng national cofession at pagsisisi simula Martes at bawat susunod na Linggo patungo sa Kapistahan ni Kristong Hari, bilang isang patuloy na pagsusumamo para sa awa at pagbabago at sa konteksto ng mga kamakailang kalamidad na tumama sa bansa.
Ito ay pagkatapos tamaan ng malakas na pagyanig ang Cebu noong Martes ng gabi, na pinakamalakas na lindol na naitala sa lugar.
Nakapagtala ng 71 death toll na may 559 injured na patuloy na vina-validate, ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and management Council (NDRRMC).
Mayroon ding nasa 128,464 pamilya o 455,631 indibidwal na apektado ng kalamidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden