PALAWAN- PATAY ang isang rider makaraan masapol ang minamaneho nitong motorsiklo ng Roro bus sa kahabaan ng national highway na sakop ng bayan ng Taytay, iniulat kahapon, Oktubre 5.
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilala sa pangalan June, 36-anyos, residente ng Barangay Bato, Taytay.
Hawak naman ng pulisya ang driver ng bus Roro bus na si kilala sa pangalan Rene, 47, at taga Barangay Tinitian, Roxas, Palawan.
Batay sa report ng Taytay Municipal Police Station, bandang 2:15 ng hapon ng Oktubre 5, 2025 naganap ang insidente sa Barangay Abongan ng naturang bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang 150 Rusi motorcycle ng bigla na lamang itong napunta sa linya ng bus.
Mabilis umano ang patakbo ng biktima hanggang sa tumilapon ito at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus para sa tamang disposisyon at dokumentasyon. Mary Anne Sapico