Home NATIONWIDE Terorista na may kasong murder, arestado sa Masbate

Terorista na may kasong murder, arestado sa Masbate

319
0

MASBATE- ARESTADO ang isang kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) na may kasong pagpatay sa pinagsamang operasyon ng mga tauhan ng Detection Group Provincial Field Unit (Lead Unit) at iba pang unit ng PNP, iniulat kahapon sa bayan ng Mobo.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng 5th Judicial Region, Branch 44, Masbate City na may petsang Setyembre 3, 2025 para sa kasong murder nadakip ang suspek na si alyas Tonton, 31, at residente ng Barangay Baang ng nasabing bayan.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng CIDG Provincial Field ang suspek para sa dokumentasyon habang hindi naman itong pinayagan ng korte na magpiyansa para sa pansamantalang kalayaan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here